Isa sa napakahirap na gawin sa buhay ay ang maghintay. Una sa lahat, oras ang kalaban ng tao. Hindi mo na maiibabalik ang minuto na lumipas. Kaya naman ang salitang paghihintay ay iniiwasan ng kahit sino man sa atin. Sa pila sa lrt, sa pag-order sa kainan, sa paglalakad, sa pagluluto, sa pag-aaral, lahat na lamang ay hinihingan ng shortcut. Kaya sabi nga ng ibang taga probinsya tayo daw mga taga Maynila ay mahilig at gusto ng mabilisang proseso kaya nga hindi na natin nakikita ang ganda ng buhay. Gusto natin lahat areglado na. Subalit sa buhay lahat ng bagay ay may kaakibat na tamang panahon. Ngunit minsan masakit at nakakalito kapag hindi natin nakukuha ang mga bagay na ninanaais natin. Lalo masakit kung nakita mo na abot-kamay mo na ang mga bagay na ito. May mas malalim na dahilan kaya nangyayari ang mga bagay na ito. Sabi nga sa movie na kung fu panda "There are no accidents." Oo, masakit at minsan hindi natin maintindihan kung bakit nauudlot ang mga bagay na alam mo sa simula ay para na sa iyo. Pero naniniwala ako na ang pagkakasawi sa isang bagay ay hindi katapusan ng buhay mo. Life has many things to offer. We just have to accept things and move on. Minsan kasi pilit natin pinagsisiksikan ang sarili natin kasi alam natin na ito ang gusto natin.Pero kadalasan ang mga gusto natin ay mga bagay na hindi natin kailangan manapa ang mga bagay na kusang dumadaan sa ating buhay ang siyang mas higit na nagdudulot sa atin ng saya. Minsan kasi kailangan lamang natin maghintay at pabayaan ang tamang panahon na umaksyon. Ang paghihintay ay isang bagay na dapat ialay sa Panginoon. Kapag inangat na natin sa Kanya ang mga kahilingan ng ating puso dapat lamang natin Siya na pagkatiwalaan. Mas alam Niya ang dapat na sa atin. Basta kailangan lang natin gawin ang ating makakaya sa lahat ng bagay. Being your best in everything that you do is one way of glorifying God. Ako mismo nakakaranas ng pagsubok sa paghihintay. I had doubts, fears, anxities but God consoled me during this difficult time. He will replace all the pains with new hope. To wait is not to waste time rather it is a time for us to prepare ourselves to what God has planned for us.We just have to be still and let God lead us. =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment