Sa isang katulad ko na fresh graduate hindi kaila na sa mga panahon na ito ay nakakapag muni-muni ako ng mas maigi sapagkat mas madami ako libreng oras. (wala pa ako trabaho kasi hehehe) Sinamantala ko na ito upang mag relax at gawin lamang ang mga bagay bagay na gusto ko. Sa totoo lang sagana na nga ako sa pahinga ngayon at kailangan ko na ata magtrabaho. Hindi naman dahil sa binibigyan ako ng obligasyon ng aking mga magulang pero dahil gusto ko na rin simulan ang panibagong yugto ng buhay ko (ang drama!) Sa totoo ang gusto ko lang sa ngayon ay makahanap ng isang magandang simula. Ayaw ko mag hangad sa isang trabaho ng malaki ang sahod pero wala ka naman natututunan. Mahirap talaga ang buhay ngayon pero sa mga nararanasan ko ngayon at sa mga pangaral sa akin ng nanay ko totoo talaga at masarap talaga ang maghangad sa simpleng buhay. kasi kung iisipin mo lahat ng kakulangan mo at lahat ng wala ka ay masasayang lang ang oras at panahon mo. Pinagdadasal ko lang talaga na sana hindi ako dumating sa oras na masisilaw ako sa mga materyal na bagay. Hiling ko lang talaga ay bigyan ako ng lakas ng loob at wisdom ng Diyos sa lahat ng desisyon gagawin ko sa buhay ko. LAhat ng desires ng puso ko inaalay ko na sa Kanya. Siya na lamang ang gagawan ng paraan para makamit ko ang mga ito at ako naman ang bahala sa paggawa para makamit ko ito. Nasa baba ang ilan sa mga hangarin ko sa buhay. =)
- mag M.A.
- mag-aral ng iba pang lenguahe
- matuto ng photography
- travel (PILIPINAS muna tapos sa labas ng ibang bansa, o dba? lol)
- magpatayo ng isang retreat house (hayyy sarap)
- sumali sa amazing race asia
- maging host ng gameplan (kaso wala na yun show,sad..)
- magmaintain ng isang garden
- magdesign ng cake
- gusto ko maging active sa mga marathon
- gusto ko ituloy yung tennis ko at swimming (gusto ko na pumayat hahaha!)
- umakyat sa bundok
- mag roadtrip
- magkaroon ng isang library o kaya naman isang bookstore =)
- gusto ko matuto mag gitara
- maging volunteer at magturo sa mga probinsya
- gusto ko maging mabuti anak, kapatid, kaibigan, at isang tunay na Kristiyano (ITO ang bonga sa lahat =p)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment